DRAM: Metodo ng Kaalam
ni: Joseph E. Cemena
karapatang-ari 2019
Isa sa mga kasangkapan ng guro ang iskema o plano sa kanyang aralin araw-araw ang metodo. Iba-iba ang pamamaraan ang ginagamit para mauunawaan ng mga mag-aaral ang kanyang aralin. Sinubok ang lahat ng metodo pero tila hindi pa rin ito sapat at epektibo.
Maaaring subukin ang isang alternatibong pamamaraan na aking nabuo sa pagtuturo ang metodong DRAM - Discussion, Review, Application, Mastery. Ang metodong ito ay nakatutulong sayo bilang guro upang matutulungan mong matuto ang iyong mga mag-aaral sa minadaling pamamaraan.
Narito ang mga Hakbang sa Pagsasagawa
1. Discussion o Pagtalakay sa Aralin. Tatalakayin muna ng guro sa unang pagkakataon ang aralin. Hayaan munang makinig ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng guro.
2. Review o Balik-aral. Matapos ng matalakay ng guro ang aralin, ang mga mag-aaral naman ang bibigyang pansin ng guro sa pamamagitan ng pamamaraang "Tanong - Sagot" batay sa araling tinalakay.
3. Application o Pagtataya. Lilinangin ng mga mag-aaral ang aralin sa pamamagitan ng gawaing ibibigay ng guro. Susukatin ng guro ang kaalaman ng mga mag-aaral kung nauunawaan at natutunan ang aralin.
4. Mastery o Pag-iimbak ng Kaalaman. Para lalong maiimbak ng mga mag-aaral ang araling natutunan at hindi malilimutan, paulit-ulit itong ipaunawa sa kanila. Huwag munang magpatuloy sa bagong aralin hanggat sa tingin mong hindi pa halos lahat nakakasunod. Tandaan, hindi sukatan na natapos mo ang lahat ng aralin sa libro para masabing naturo mo lahat ito. Ang mahalaga hindi nila nalilimutan ang aralin at natuto sila.
Sa kabuuan ng metodong ito, nawa malunod ng guro ang mga mag-aaral ng kaalaman sa loob ng DRAM.
No comments:
Post a Comment